Sew Happy 8: (DIY: Upcycled T-Shirt Sundress)

May bago akong costume! Bagong attire ko para sa pang araw-araw kong mga gawaing pang-muchacha dito sa haus.

tshirtdress14

Aktwali, hindi naman sya bagong bili. Galing lang sya sa isang lumang t-shirt na inarbor ko kay KUPS noon. Hiningi ko ‘to sa kanya. Sabi ko padalhan nya ‘ko ng T-shirt nya, yung luma lang ‘kako.

Ewan ko, siguro nagtataka din si Kups noon kung bakit lumang T-Shirt niya ang ni-request ko. Pero since labs nya ako noon, eh granted naman ang request ko. Kaso, I really doubted na kanya talaga ‘tong shirt. Kasi parang double XL ang size eh. (See below pictures). Hindi naman pang-dambuhala ang wankata ni Kups ‘noh.

Hmmmn…siguro may duda sa akin si Kups noon na baka gamitin ko lang sa hobby kong pangkuKULAM against sa kanya ang shirt kaya hindi sa kanya ang pinadala nya sa akin. Wais yun a! Naisahan ako. Hehe!

tshirtdress11-001

Mula ng ipinadala sa akin ang shirt, mga dalawang beses ko lang yata naisuot ‘to, as PANTULOG! 😀

Kaso mainit sya dahil sa medyo makapal ang tela. mahaba ang sleeves at nasisikipan ako sa kwelyo. Nasanay kasi akong gawa sa lambat o fishnet lang ang suot ko pag natutulog. Dyoks lang!

Matagal na ‘tong nakatupi lang sa closet ko at nakakapanghinayang na hindi nagagamit lagi. Ayoko naman ipamigay. Kaya eto, finally nagawan ko na rin ng paraan para mapakinabangan ko ang remembrance na ‘to ni Kups. At para na rin siguro maalala ko sya lagi. Uyyyy! Charot!

Again, gamit ang pagiging maalindog, maganda, bata, at sariwa, at sa tulong na rin ng gunting, sinulid, pins, at sewing machine,nakagawa ako ng Upcycled T-Shirt Sundress.

tshirtdress13

Angkop na angkop ang disenyo sa maalinsangan na klima ng Pinas. Preskong-presko! Malaya na ngayon ang hangin na magpakasasa sa mura at inosente kong katawan.

tshirtdress12

Napag isip-isip ko ngayon, sana yung gamit na BOXER SHORTS na lang ni Kups ang hiningi ko noon. Para in case na hindi kasya sa akin, sigurado magagawan ko pa rin ng paraan yun. Nakarinig na ba kayo ng Upcycled Boxer Shorts Panty? Lol! 😛

HAPPY SUNDAY!

oOo

“Pahalagahan kung anong meron ka dahil hindi lahat ay nabibigyan ng second chance.”