Tag Archive for tagging
Write It
Siete Chuva Chenes
Tag ni Kengkay: i-tsika ko raw ang kahit ano tungkol sa sarili basta may koneksyon sa siete, seven, o pito.
Ok, game na ako!
Pampito ako sa 8 anakis ng mga magulang ko. Pinaka-bunso sa babae. Sa amin na magkakapatid, ako ang pinakamaputi, pinakamabait, pinakaseksi, pinakamatalino, pinakamaabilidad, pinakamadiskarte, pinakamalambing, pinakamaganda, at higit sa lahat pinakasinungaling.

width=”78″ />Pitong taon ako noon, nasa Grade 2 nang mag ala-Jon Cabron ako habang pauwi sa bahay galing school. At talagang na-ebs ako sa panty ko. Yucks! Swerte nasa labas na ako at hindi sa loob ng classroom ako nagkalat dahil kung nagkataon, katakot-takot na kantiyaw ang inabot ko sa mga klasmeyts ko. Sikat pa naman agad sa buong section pag ala-Jon Cabron sa klase.
Mommy Survey
Grabbed this survey from Girlie’s blog again. Feel ko s’yang sagutan kasi it reminds me of my first pregnancy.
Here it goes:
1. Was your first pregnancy planned?
No. Medyo careless pa ‘ko nun at same time member din ako ng “Sige-Sige Gang” nung mga panahon na yun. Lols.
2. Were you married at the time?
No
My Workstation
Nakow! Makiki-usyoso daw si hip ‘n cool momma Girlie ng workstation ko. Eh labs ko ang babaeng ‘to kaya dehins ko pwede isnabin ang tag nya sa akin.
Nai-post ko na ‘tong pic dati sa Friendster blog ko. Pareho pa rin naman ang ayos hanggang ngayon maliban sa naiba ang wallpaper ng desktop pc ko kaya hindi ko na kinunan ulit ng pic. Ganito lang naman tsura ng paboritong tambayan ko sa bahay:
Aber, kayo naman. Pasilip naman ng workplace nyo:
- Moo – ‘yan ha, baka isipin mo iniisnab ka pagdating sa tagging ek-ek. Medyo nasilip ko na konti ang mesa mo at nanggigil ako sa kalat. Pakita mo naman sa amin ang kabuuan ng workstation mo. Wag mo ko iisnabin sa tag na ‘to.
- Jovi – patingin naman ng workstation ng isang hottie.
- Trish – bongga naman kaya tsura computer ng isang new yorker?
- Jeckass – sali kita ha?
- Isagani – doc, pasilip din ng sa ‘yo.
You Make Me Smile
Tapos na PMS ko at siguradong wala akong mood swings ngayon. Pero mahal ang smile ko netong mga araw.
Inaatake ako ng mga worries and fears at lahat na yata ng negative thoughts eh nakasaksak ngayon sa utak ko.
Kahit saan ako lumingon wala akong makitang pwedeng takbuhan o mapuntahan. Walang magulang, walang kapatid, walang kamag-anak, walang barkada, at walang kaibigan na mapaglalabasan ng hinaing.
Gusto ko sana magsumbong kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. Lolz!
5 “Craziest Me” In My Life
1. JINGLE SA CR NG LALAKI – hehehe! May katagalan na to at aksidente lang po yun dala na rin ng katangahan. Nood kami noon ng bespren ko sa dating Greenbelt Cinema ng Makati. Maalala ko Young Guns 2 pa yung movie. Wahhh… tagal na nga!
Pigil na pigil na kami sa wiwi namin kaya saktong pagkatapos ng movie unahan kami kumaripas papuntang CR. Nakabukas na yung pinto kaya di naman napansin yung karatula sa door. Walang pang tao sa loob at kami nga ang nauna. So, kanya-kanya kaming pasok ng cubicle. Nagkukwentuhan pa nga kami habang nagpaparaos ng jingle namin.
Paglabas ko ng cube, “Ay Potaaah!” ‘yan agad ang naibulalas ko. Gusto ko himatayin!! Daming lalaki nakita ko nakatalikod umiihi sa urinal!!! Lahat sila napalingon, nagulat din nung nakita ako at wala ni isang nakapag salita sa kanila. Tanginaaaa! Magkahalong gulat, takot at hiya – tumakbo ako palabas at iniwan ko na yung friend ko na nasa kabilang cubicle.
Krismas Wishes Ko
Inisip ko kanina yung mga utang kong TAG sa akin galing kina Tintin Sendy at kay Badoodles. Pero uunahin ko muna sasagutin yung kay Tintin kasi parang madali lang yung tag nya sa akin. Pramis pareng Badoodles gagawin ko talaga yung assignment ko galing sa yo – next time.
Kaya muni-muni mode muna ako kanina. Kailangan ko ng ambiance para maisip ko kung ano ang mga xmas wishlist ko. Lumabas muna ako ng bahay pero hanggang carport lang naman. O di ba, maliit man ang balay ko. . . wag isnabin at may carport itech! Inuna ko na ang pagpagawa ng carport namin noon para sa V-Tec namin . . . V-Teclita.
Sino Ang Nasa Screen Ko?
Ayan! Kaptyuran ng Desktop Screen ang laro ngayon ng mga kakosa ko sa blog. Siempre makikilaro ako para masaya.
Ang instruction sa tag na natanggap ko mula kay bespren Azrael eh wag daw babaguhin kung ano meron o itsura ng current screen once na natanggap ang tag.
Every now and then nagbabago ang wallpaper ng desktop namin depende din sa trip ng mga bagets ko. Sino ang nasa screen ko? Sa ngayon eh yung picture ng apo kong si Viel ang nakalagay sa screen.
“Huwaaat? May apo ka na, mamaru?” Magsitigil kayo! Viel is the son of my niece… so ano dapat itawag ko sa kanya? Apo di ba? Enuf said.
10 Things I Hate (or least like)
Kung may gusto akong kurutin sa singit ng pinong-pino sa mga oras na ‘to, yun eh si Chuckie!
Abah! tinag-TAG ba naman ako kung kelan maghahapunan na sana ako! Pero wag ka, na-excite ako. Mwehehe! Eh kasi pers taym ko sasagot sa blog ng TAG chuva ek-ek. Kaya pwede ba, mamaya na ang lafang at sagot ko muna ‘to – 10 things i hate.
Game na ba ako? Game naaaaa!!!
- FOOD: Adobong Pusit! Yakie ‘to sa akin. Oo masarap ang lutong-adobo pero esmyus me, wag lang pusit! Kadiri kasi yung itim na tinta nya. Di ko pinangarap ang ngumuya ng food na parang pinalambot na uling. Tapos di ka pa basta-basta makapag-smile at baka sabihin bulok lahat ngipin mo.
- FRUITS: Mansanas! Kahit galing pa sya sa Garden of Eden eh mas type ko pa yung ahas dun kesa mansanas. lolz!
- VEGGIES: Saluyot! Okra! Ayoko lasa nila. Parang lasang-laway.
- PEOPLE: Mayabang, Mayabang at Mayabang.
- EVENT/SITUATION/INCIDENT: Asar ako sa mga pangakong napapako. Yung puro dakdak at kulang sa gawa.
- TV SHOWS/MOVIES: Wrestling shows. Hindi ko maintindihan. Ang lalaki ng katawan nila na nagkakalampagan pero wala akong nakitang may duguan man lang sa kanila. Halerrr! Pwede ba naman yun sa totohanang bakbakan?
- MUSIC: Heavy Metal Rock. Rap. Nakaka-luga ang mga tugtog na’to.
- THINGS AROUND THE WORLD: War. Corruption. Terrorism.
- HOUSEHOLD CHORES: Ay! Pareho kami ni Chuckie, ayaw ko mag kumpuni ng mga sirang tubo, sirang-ulo, mag-ayos ng baradong lababo… magpalit ng busted na light bulbs… basta lahat ng trabahong pang-lalaki, hate ko! Grrrrr!
- THINGS ABOUT MYSELF: Moody. Pessimist. Fickle-minded. At higit sa lahat, hate ko ang sobrang ganda ko. jokeeeee!!!
Eto na, lintek lang ang walang ganti. lolz!
TAG-tagin ko rin sina: Dru, Nelo, Iya, Menggay , Bebenibadoodles, Khonz at Red. O kayo, ano diskarte nyo?






