Si Lucio Tan: Ninong Ko?

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, People

Kilala mo pa ba ang mga ninong at ninang nyo sa binyag? Close ba kayo? Kung OO, mabuti pa kayo. Inggit ako! Pero dapat mas inggit kayo sa iku-kwento ko ngayon.

Ako kasi, lumaki akong (lumaki nga ba?) walang nakilalang ninong o ninang. Kaya naman nung kabataan ko tuwing Pasko ay olats o betlog ako sa aginaldo mula sa ninong/ninang. Pero narinig ko minsan nung nabubuhay pa si Mader ko, yung nag-iisang sikat na doktor daw sa Samar ang ninong ko. Abah! Madatung kung ganun! Kaso kever! walang silbi rin kasi hindi naman kami magkakilala.

Kakainis, bakit kaya hindi tayo pwedeng pumili ng mga ninong at ninang noong bininyagan tayo?

Pwes! Hindi pa naman siguro huli ang lahat dahil yan ang gagawin ko sa ngayon. Hindi po ako magpapabinyag ulit pero pumili na ako ulit ng ninong ko. At siempre, pipili na rin lang ako abah eh yung bonggang-bongga na! Sa lagay ba eh…. kukuha ba ako ng pipitsugin at kung sinetch-sinetch lang na ninong? Abah!

Read more…

Bookmark and Share