Mahirap Bang Gawin Ang Tama?

Etoh na nman puh aq. Iritang-iritah n nman s lecheng txt speak n yn!

Ewan ko ba, hindi talaga ako makapag-getober sa pa-usong text speak na yan hanggang ngayon. Mga naka-ilang beses na rin ako nag-post ng tungkol dito noon.

Kanina lang sa YM ko ay may bumulaga sa akin para makipag-chat pero wa ko knows kung sino siya. I usually don’t respond to strange handles na wala naman sa contact list ko. Blame it to my hormones pero kanina pinatulan kong sagutin ang jejemon na ‘to. 😛

 

7-26-2011 9-38-40 AM

 

Hanggang diyan lang ang nakayanan kong i-reply. Kalurkey! Kahit medyo iritado ay natawa pa rin ako habang sumasagot kanina.

Ang post na ‘to ay hindi tungkol dun sa mga sinabi ni Kolokoy na seksi ako kasi alam ko na po yan, fetus pa lang ako – seksi na. Charoz! Ang gusto ko lang i-punto dito ay yung style/klase ng pagta-type nya ng mga words…ng mga spelling.

If you read this aloud, “syang aman apakaseksi mu p aman….”, maiisip mong ngongo ang ka-chat ko. Kaya naman sinagot ko rin siya ng pa-ngongo. Kitams, siya man ay hindi nya maintindihan ang sagot ko. 😀

Kung 1983 isinilang ‘tong ka-chat ko, ibig sabihin 28 years old na siya ngayon at hindi na bagets. Tanders na rin maituturing ang 28 years old, di ba? Pero parang walang pinagkatandaan. Hehe!

Hindi ko talaga lubos maisip, bakit ba hindi natin makuha ang mag-type ng BUO, SAKTO at TAMA na mga salita sa chat at sa mga social networking site?

Eto na naman ako sa mga tanong ko. Bakit ba tinitipid ang paggamit ng mga vowels? Ang madalas na katwiran eh shortcut daw yan. Para daw mabilis o mapadali. Eh, bakit ba kelangan madaliin ang pagta-type ng TAMA? May karera ba para magmadali? May humahabol?

Ok lang kung sa phone o sa Twitter ay iniiklian ang mga words kasi limited lang talaga ang characters na pwedeng i-type dun. Pero bakit kelangan ibahin o I-MALI ang TAMANG spelling ng mga salita?

AKO – AQ?

MASYADO – MAXXADO?

MO – MU?

PO – PU? PUH?

Tuloy, namimihasa tayo sa MALI.

Hindi nyo ba napapansin, ang nagiging epekto nyan ay hindi na rin natin natututunan ang tamang paggamit gaya halimbawa ng:

NG vs NANG

RIN vs DIN

RITO vs DITO

THEIR vs THERE

YOUR vs YOU’RE

Aminado ako, guilty din ako. Oo, andun yung nakakalimutan ko rin ang paggamit ng mga TAMANG salita. Nai-engganyo rin ako minsan mag-text speak kahit sa chat. Pero excuse me…hindi naman po ako yung tipong gumagamit ng xxobra-xxobra at maxxadong-maxxado – yung nakakasakit na ng ulo pag binasa. Nakakabobo na kaya yun!

Seryoso, huwag sana natin kunsintihin ang mga sarili na masyadong masanay sa MALI. Sana pilitin pa rin natin ang maging matiyaga pa rin na mag-type ng mga salita kahit sila ay mahaba. Doon po tayo sa TAMA. Kahit mahirapan basta natututo. Yun lang. Bow!

 

 

oOo

“Sana ang PAGMAMAHAL ay parang paglilinis ng BAHAY, na kahit PAGOD ka na, ipahinga mo lang. Magiging OKEY na!”

Payo Sa Mga Jeje At Ume-Alien

Allergic talaga ako sa mga chatters na Jejemon o kaya yung mga gumagamit ng text speak. Kasi sa totoo lang, parang lumulubog ng below sea level ang IQ ko sa style nila.

Pero kanina may pinag-tiyagaan akong ka-chat na ume-alien (tao na nagsasalita na parang alien) habang  ako ay nagpapatay ng oras at naghihintay ng pag uwi ng mga junakis ko galing school.

Hmmmn…pero parang naaliw din naman ako saglit sa makabagbag damdamin na wento ng ume-alien kong ka-chat. Pero mas tinitigan o inobserbahan ko talaga kung paano nya pinapa-ikli  at kung paano sya nagkukuripot sa paggamit ng mga vowels sa mga words nya, na para bang kulang-kulang din ang alphabet ng keyboard nya.

herji04 : HI
Mamaru : hi
herji04 : HOW OLD ARE YOU N PO
Mamaru : 49
*(sa maniniwalang 49 na ako, magkakapigsa sa dila!)

herji04 : AH KL Q KC 30 P LNG
Mamaru : naks!
*(bolero ang indut, gusto kong bigwasan!)

herji04 : WL NMN S MUKA MO N 49 KN
herji04 : CUTE MO NGA TE
Mamaru : ty
*(feeling-fetus naman ako agad sa pagkasabi nya na ‘tu.)

herji04 : D NGA
herji04 : MY ASWA KN TE
Mamaru : wala. single mom ako

herji04 : PAREHO PL TYO
Mamaru : mom ka rin?
*(philosophy aketch!)

herji04 : NDI H GRV K
Mamaru : sabi mo kasi pareho tayo

herji04 : JE….JE…JE…..
herji04 : MY FCBOOK PO KYO
Mamaru : wala eh
*(di ko sure kung Facebook o Fuckbook tinutukoy nya. Lol.)

herji04 : ILN N PO ANK NYO
Mamaru : 2

herji04 : CGURO MAGNDA RIN K 2LD NYO
Mamaru : lalaki at babae

herji04 : ALM NYO PO QNG BT KMI NAG HIWLY NG ASWA Q
Mamaru : batet?
*(kebs ko naman, nagtatanong ba ako?)

herji04 : NHULI Q PO CL NG BWST QNG KUMPRE
Mamaru : ayayay!
*(Huh! Naglaro ba kayo ng habulan? Ikaw ang taya at nahuli mo asawa at kumpare mo? Nagpigil ako magtanong at baka ma-offend.)

herji04 : D B ANG SKIT NN
Mamaru : uu naman
*(masakit ba yun? Parang slight lang naman. Lol.)

herji04 : GUS2 Q N NNG PTYIN YNG KUMPRE Q E
Mamaru : sus yaan mo na sila
*(isama mo na rin patayin ang misis mo.)

herji04 : KKHIWLY LNG NMIN KHPN GV SOBRNG SKIT
Mamaru : kahapon?
Mamaru : susme

*(istir na ang wento ng buratski na ‘to! Mantakin mo eh kahapon lang sila naghiwalay at sobrang sakit daw pero eto sya…nakukuhang makipag chat na agad.)

herji04 : DI NGA TE
Mamaru : kalamayin mo loob mo iho
*(Ate Charo mode ako kunyari)

herji04 : NDI Q PO TLG ALM GGWIN Q TE  PRO YNG ANK NMIN AS AKIN PO
Mamaru : eh pakalmahin mo lang muna sarli mo
*(at ano gusto mo? Ampunin ko anak mo?)

herji04 : GUS2 Q PNG GUMANTE LHT NG ORAS Q SRILI BNIGY Q SKNILA NG ANK TPS GNI2 P GINW NILA SKIN
Mamaru : paano ka naman gaganti?
*(ano kaya kung mang hostage ka rin ng bus?)

herji04 : NDI Q RIN ALM QNG PNO KYO PO ANNG PLNO NYO S ASWA NYO
Mamaru : ha?
Mamaru : eh matagal ko na pinatay asawa ko eh. hehehe
Mamaru : di nga, alaws naman akong mister.
Mamaru : bibili pa lang. hehehe

herji04 : GANNG PO B
Mamaru: Anong Ganng?

Ay Leches! Nilayasan ko na! Nawalan na ako ng tiyaga. Hindi talaga kinakaya ng utakness ko ang magbasa ng kulang-kulang.

Oist! Kayong mga gumagamit ng text speak, mga Jejemon at ume-alien, payo ko lang…wag nyong sanayin ang sarili nyo sa ganyang kabulastugan. Maniwala kayo, darating ang araw na may kalalagyan din ang utak nyo sa ganitong walang wenta na pa-uso o style.

Hindi nga, kahit itaga nyo pa sa marshmallows, sa katagalan ay apektado na ang pagsasalita nyo ng TAMA at TUWID pati na rin ang paggamit ng TAMANG SPELLING sa pagsusulat lalo na kung nag-aaral pa kayo o nag aaplay ng trabaho o kahit namamasukan na sa upisina.

Payo lang, sumunod na lang dun sa uso na nakakabuti, nakakatulong at nakakadagdag sa talino natin na  kahit parang lumalabnaw na rin.