Sew Happy 7 – (DIY: Throw Pillow Cover)

Sa mga sewing craft ko, ang paggawa ng punda ng mga throw pillows ang isa sa mga pinaka-paborito kong gawin kasi nga napakadali lang tabasin at tahiin ng tela.

pillow project

Ewan ko ba, bigla ko na lang na-miss ang pananahi kaya naman napagdiskitahan ko tong mga used clothing na shirt, blouses and skirt na nakatambak lang dito sa bahay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kanino ang mga to at kung paano napunta sa amin. 😀

Pero may duda akong kasama to sa mga Sendong relief goods na binigay noon sa ate ko at iniwan dito sa bahay.

Parang wala naman balak ang ate ko na kunin ang mga damit na to kaya eto. . .

pillow project1

. . . pagkatapos kong pagpilian, ginawa kong punda ng mga throw pillows ko ang ang mga damit para naman mapakinabangan. (Tuwing pinipiktyuran ko, hindi ko alam kung ilang beses ko paulit-ulit na inayos dahil laging rin ginugulo ni Sang ang pagkalatag ng shirt na to. Ang kulit talaga ng alaga ko! Sarap pektusan! 😛 )

pillow project2

pillow project3

pillow project4

pillow project5

throw pillows

Sey nyo? 😛

 

 

oOo

Masarap ang walang ginagawa. Madalas wala akong ginagawa. Kaya ang sarap ko.