Tilapia Strips

Tilapia Strips…hindi po ‘to gawa sa karne ng aso. Yak! Hahaha!

Andito ang pic ng aso ko dahil namataan ko ang napakasimpleng recipe na ‘to ng Tilapia  sa www.yummy.ph habang nagpapakamot ng tiyan si Kremo sa isang kamay ko.

japanese spitz

Tiempo naman na may deboned tilapia pa ako sa freezer kaya sinubukan ko. Pinaghihiwa ko na lang sya into strips, yun katamtaman lang ang hiwa kasi baka naman madurog pag sobrang nipis ng strips.

Continue reading

Tilapia in Tausi Sauce

Matagal-tagal na rin (2 months yata) na wala akong nai-post tungkol sa pagiging kitchen diva-dihavan ko. 😀

Eh sensya na kasi after 2 long months  ngayon lang kasi ako ulit kumain, kaya now lang din ako nakapagluto. Charot!

Nways, nakapamalengke ako nung weekend ng bangus, tulingan at tilapia na mga isda. Tilapia ang trip kong lutuin kagabi at nakakasawa naman kung simpleng prito na tilapia lang ang gagawin ko. Aminin ko na rin, medyo sinipag ako kaya for a change at para masaya…yung pinirito ko ay with matching tausi (black beans) sauce naman.

Eto ang nangyaring diskarte:

spices2