Tag Archive for Tita Cory

Dapat Lang Na I-Clap Clap!

Bago ang lahat…

Ako lang ang luma.

Asus! Gasgas na ang intro ko. :D

Grabeeeeee! Ang tagal din bago ko nai-angat ang sarili ko na magka-gana para chumika ulit dito sa blog ko. Eh kasi naman…grabe naman yung nagdaan na week. Mula ng namayapa si Tita Cory ay araw-araw na lang yata din na tumutulo ang luha ko tuwing napapanood ang tv coverage ng funeral nya. Bentang-benta sa akin ang mga paggaralgal ng boses ni Kris tuwing ini-interview at sa mga pamamaalam nya sa nanay nya. Hayss… todo-crayola talaga si Mamaru.

Nways, kahit alam ko na purgang-purga na kayo sa kwentuhan ng tungkol sa lamay at libing ni Tita Cory…bago mahuli ang lahat, gusto ko lang din ibulalas (ibulalas daw o’) ang paghanga ko dun sa apat na gwardya na naging tuod ng mahigit sa walong oras na nakatayo habang nagpo-prosesyon.

Read more