Kodakan Mo Ko

Naumay na ako sa mga laman ng balita sa radio, TV at kahit sa online news. Nagtuturuan at nagsisihan na ngayon  dahil sa hostage-taking na nangyari nung Lunes.  Kagabi lang eh may opisyal na ng pulis  – gumulong ang ulo at nasibak sa pwesto. Naglabasan na rin yung mga nagmamarunong na mga congressmen at senators! Pwe! Nakakaumay na!

Kaya welga muna ako ngayon, hindi na muna ako nakinig at nanood ng balita. Pagka-gising ko kasi sa umaga, binubuksan ko na agad ang TV at pag nasa harap na ng ‘pyuter, nakikinig din ako sa online radio.

Kanina, deretso  alila mode na agad ako. Inasikaso ko muna ang pagiging dakilang lungkatots ko. Luto ng almusal, ligpit, linis, punas, walis at salang ng damit sa washing machine as usual. Nang magising ang amo kung babae, eh nag-Kitkat muna ako. Take a break bagah.

Sabi ko sa unica hija kong bagets,  “kodakan mo nga ako at nasa mood ako ngayon mag pose. Gusto ko yung tipong stolen shots ha?”. Well, natupad at successful naman ang mga request kong stolen shots. Obyus ba na nakatingin ako sa camera? Haha!

Kever naman kung walang suklay at hilamos si Mamaru.  Ang importante nakapag-pakodak ako kahit ang aga-aga. Simple joys ‘ika nga. Walang basagan ng trip! Ini-execute ko lang naman ang kababawan ng kaligayahan ko. (Nag-explain ba!)  Howel, at least nag-pose ako at hindi yung bus sa Quirino grandstand ang background ko.

Sayang at nakalimutan ko isuot ang uniform kong apron.

Good Thursday everyone!

music note While writing this, I was listening to “Water And Bridges” by Dashboard Confessional.

Gaya-Gaya Lang, Trip-Trip Lang

Ti-neks ako kanina ni Pareng Badoodles.

Badoodles: “mare, may problema dun sa tshirt. hindi pala available sa stores ung choice1 and choice2 mo…”  (cut ko na kasi mejo mahaba)

Badoodles: “sinend ko na pala ung trophy saka tshirt kahapon.”

MARU: “Ok lang yun pareng badoods. Lagi din naman ako borles kaya khit anong shirt na lng. Cge i wil let u knw pag natanggap ko na. Best regards.”

Badoodles: “ok thanks mareKo.”

MARU: ”Basta ikaw! (wink)”

Wala pang mga isang oras yata ang nakakalipas may pumaradang van ng LBC sa tapat ng bahay ko.

MARU: “Pareng badoods, eto na at naresib ko na. Inarbor na agad ng bagets kong doter ang shirt. Nakngpekpek! Maraming salamat ulit!”

Badoodles: “hambilis naman, kapapadala ko pa lang kagabi. kasya ba ung tshirt?”

MARU: “May kaliitan ang shirt at kelangan may hawak hawak akong FAB juice drink pag sinuot ko yun. Makikita ang inverted navel ko. Lols.”

Badoodles: “hahaha! sana pala ung medium kinuha ko. di kasi ako nakinig sa gut feeling ko. next time ulit. ;)”

* * *

Howel, dito nakalagay sa paper bag na ‘to ang tropeyo ng kalandian ko dito sa blogosphere na ikinatuwa ng ilang mambabasa ko. (Si Moo lang ang kaisa-isang kinampanya ko na iboto ako dito sa pa-contest na ‘to ni Pareng Badoods tas dinedma pa ako ng mokong. Hmp!)

Hindi ko na maipapakita yung kasamang t-shirt kasi inarbor na agad ng dalagita ko at nasa lagayan na ng damit niya.

Tuwang-tuwa ako dito sa trophy na isang boobsy na bebot (na kamukha ni Claire dela Fuente) na nakapatong sa bote ng coca-cola.  Sponsored ng GagAtak ang tropeyo at yung t-shirt naman ay galing sa The T-Shirt Project.

Walang nangyaring awards nite kaya nag-feeling na lang ako na kunyari eh rumampa ako sa red carpet, umakyat sa stage para tumanggap ng trophy at nag spits. Hehe! Kababawan talaga oo. SOWS! Eh bakit ba!

Poporma sana ako ng todo kanina para magpa-kodak via webcam kaso excited na ako at di na makapag hintay para magbihis.

Pinag-tripan kong GAYAHIN yung boobsy girl sa tropi kaso pinagpawisan lang ako at nabigo ako. Hindi ko makuha ang porma nya. Bwahaha!

Ok, eto na lang. Ganito ginawa ko kanina na gaya-gaya, puto-maya. Trip-trip lang. 

Btw, ganito ayos ko pag namamalengke ako dito sa bayan namin.