Minus Ganda Points

Nagawa nyo na bang maglakad sa basang kalye na isang tsinelas lang ang suot sa paa?

Ako? OO!!

Pucha! Nagawa ko yan kanina lang!

Sus mariano garapon! Napigtas lang naman ang  “diamond-studded” gold slippers ko! Wahaha!

Bonding-bondingan at sabay-sabay kaming nagpa-body massage kanina ng sister kong si Millette at niece kong si Tweetums. Paglabas namin ng SPA Clinic, eh humirit si Tweet… gusto daw nya lumafang ng pizza.  So we decided na go muna kami ng mall bago umuwi.

Continue reading

Hapi Bertdey, Kolgerl!

Bertdey ngayon ng pamangkin kong pers taym na nagbanat ng buto sa pamamagitan ng pamamasukan bilang call center agent sa Makati.

Kaya naman…hindi ako magtataka kung nagmumura ang mga eyebags nya sa ngayon kahit dito sa piktyur nya na nadikwat ko. Pero pansamantala lang naman ang pagiging kolgerl nya at itutuloy din nya sa darating na June ang pag-aaral sa kurso nyang Medisina.

Tweet, HAPI BERTDEY! Miss na miss ka na namin dito sa Iligan.

P.S.

Kung nagbabasa ka ng blogtsina ko….nakikibati na rin si Kups, hapi bertdey daw. 

Welcome Home, Bunso!

music note While writing this, I was listening to “I’m Yours” by Jason Mraz

Chikahan namin sa YM ng 13-year old doter kong si Keziah nung nag-sleepover sya sa mga pinsan nya last week:

keziah : ma, bakit ngayon ka lang nag online?
M A R U : naka off YM ko
M A R U : y?

keziah : aw
M A R U : na miss mo ko?
keziah : ganun?
M A R U : hehehe
M A R U : bakit po, maam?

keziah : ma, hatid na raw ba yung tuta sa Wednesday?
M A R U : dadalhin mo?
M A R U : sige
M A R U : malaki na?

keziah : di ko pa nakikita. Andun sa likod ng bahay, eh madilim.
Keziah : junjun ba talaga name nun, ma?

M A R U : ok sige
M A R U : ano pala gusto mo?
M A R U : ikaw na lang pumili

keziah : walang napili c kuya?
M A R U : wala naman
M A R U : ikaw na lang

Keziah : ikaw pala?
M A R U : gusto ko, junjun!
keziah :  ganun? junior?
keziah : wala na bang iba? Yung medyo sosyalin naman, para ayus.

M A R U : kaya nga ikaw na lang pumili
keziah : nah.
M A R U : sadat na lang
Keziah : sino yun?
M A R U : anwar sadat
M A R U : hehehe
M A R U : president nung una sa egypt
M A R U : mag isip ka na lang ulit

keziah :
M A R U : kremo gusto mo?
keziah : cream?
M A R U : total, cream naman color nya
M A R U : Kremo

keziah : dirty white.
M A R U : cream or dirty white…halos pareho lang yan
M A R U : krem
M A R U : Kremo or Krem
M A R U : para…kevin, keziah, kremo
M A R U : hahaha
M A R U : puro letter k

keziah :

Ayan, finally may pangalan na rin si BUNSO ko – si KREMO. hehehe!

Last week din, may nai-bluetooth sa akin na pic ang pamangkin kong si Tweetums … pic ni Kremo na bagong ligo kasama ang 2 kapatid nya.

Image030

Hindi ko alam kung saan diyan si Kremo kasi magkapareho sila ng tsura ng isa nyang kapatid. Pero duda ko siya yung nasa kanan. Paano ako nakakasiguro? Ewan ko. Siguro dahil sa  lukso ng dugo! Wahaha!

As of this writing, andito na sa pamamahay namin ang bunso ko at nag umpisa na ako kaninang umaga maglinis ng wiwi at popo nya. Waaaaa!

* * * *

Quote of the Day:
One reason a dog can be such a comfort when you’re feeling blue is that he doesn’t try to find out why.  ~Author Unknown

Lab Ko Ang Pula

Kung may nagustuhan akong regalo na natanggap noong pasko, yun ay ang shoulder BAG na itetch. Hindi man sya branded at di man sya mamahalin — wa ko keyr! Ang importante ay kyut sya, magaan at higit sa lahat ay PULA ang kulay nya!

Kever ko ba kung mumurahin lang eh wala naman sa presyo ng isang bagay ang kaligayahan ng tao di ba? (Plastikan na!)

img_3174

Bigay ‘to ni Millette (ate ko), sa tulong at pagpupursige ng niece kong si Tweetums na ‘to ang ibalot para sa akin. Tweet knows that I’m a sucker of color RED. At di naman sila nagkamali dahil I love my red bag soooo much!

 

oOo

Quote of the Day

“Recommend to your children virtue; that alone can make them happy, not gold.”–Ludwig van Beethoven

Ka-berks Ko

Ubo, sipon at sunburn – yan ang pinagdudusahan ko ngayon. Sa gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil kahol ako ng kahol. Sa araw naman may tulo ako. I mean, tumutulo ang sipon ko. Hindi na talaga nakayanan ng katawan ko ang paiba-ibang temperature ng panahon. Nakadagdag pa ang sunburn ko sa balikat dahil nag swimming kami sa Bulacan last sunday at kahit hindi ako mahilig mag swimming…na-engganyo ako maligo sa pool dahil makulimlim ang panahon. Ayoko kasi yung maliligo ng maaraw dahil walang palya na masusunog balat ko kahit magpahid pa ako ng sunblock cream. May bagyo sa may Zambales noong weekend kaya hindi ko akalain na iinit ang araw bandang ala-una ng hapon. Kaya ayun, super-dusa ako sa hapdi ng balat ko. Mas lalo naman ang pamangkin kong si Tweetums…naknampating, halos nalitson ang balat ng ka-berks kong pamangkin. Sabi ko nga, yung kulay nya ay parang pinaghalong brazilian at kenyan. Hahaha!
screenshot_54
Ipinapakilala ko nga pala ang ka-berks kong pamangkin. Siya si Tweetums. Noong isang gabi at habang natutulog, napagmasdan ko sya. Sabi ko, dalagang-dalaga na nga sya. Naalala ko kasi noong nineteen-forgotten, noong maliit pa sya eh akay-akay namin sya kasama ang panganay kong si Kevin sa mga biyahe namin ng ate ko noon sa Cebu. Ambilis talaga ng panahon…ngayon ganap na syang dalaga at sya lang naman kabarkada ko ngayon sa bakasyon ko dito sa Metro Manila. Sarap sa pakiramdam pag kasundong-kasundo mo ang mga pamangkin mo. Feeling ko tuloy bagets na bagets pa ako.