#KapagAkoYumaman

Galing Twitter.

pag ako yumaman

Kapag ako yumaman. . .

  • . . . bibili muna ako ng sariling kong dagat bago ako bumili ng barko.
  • . . . pag na-lowbat cellphone ko tapon agad at bili ng bago.
  • . . . ipapa-concert ko ang One Direction sa sala namin.
  • . . . kakabugin ko ang Rated K sa pamimigay nila ng tsinelas. Pamimigay ko ay Havaianas.
  • . . . magpapatayo ako ng sarili kong library tapos andun lahat ng books na gusto kong basahin.
  • . . . magkakaroon ng SKYWAY 4, 5, 6, 7, 8, 9 at 10!
  • . . . ipapakain ko bilang meryenda sa mga pating sa Pacific Ocean ang lahat ng kurakot sa Pinas.
  • . . . lahat ng pulubi may kariton pero naka-wifi.
  • . . . ipapa-aircon ko ang buong Pinas with free WiFi!
  • . . . wala ng pulubing madungis, lahat naka-iPhone 5s.
  • . . . papatanggal ko ang Chicser sa Pilipinas.
  • . . . I will buy the Eiffel Tower.
  • . . . maliligo ako sa gatas! Araw araw!
  • . . . together we will travel around the world. Pati solar system lalakbayin natin.
  • . . . bibilin ko ang mall of Asia tapos gagawin kong closet.
  • . . . magpapatayo ako ng palasyo sa gitna ng Pacific ocean.
  • . . . gawa sa chocolate yung bahay ko.
  • . . . ipapa-bleach ko si Bradley.
  • . . . bibilhin ko ang pinaka-sweet at pinakaseryosong lalaki sa mundo.
  • . . . magbi-breakfast ako sa Paris, lunch at NYC, dinner at Italy.
  • . . . magbabakasyon ako sa Mars.
  • . . . bibilihan ko tig-iisang rim ng yosi mga tropa ko.
  • . . . I will buy you, your friends and this bar!
  • . . . ihahampas ko yung pera ko sa pagmumukha ko. (<—— Hahaha! Winner sa akin ‘to!)
  • . . . Isasakay kita sa private helicopter pag-aalis tayo. Pero dahil mahirap lang ako, sa jeep lang muna. “BAYAD PO DALAWA”.

 

 

 

oOo

“Ang tunay na mayaman, nagtitipid. Ang feeling-mayaman, gumagastos magmukha lang mayaman.”

#ArtistaFoodNames

Kanina lang, super-aliw ako reading trending topic/tweets about Artista Food Names sa Twitter ko.

artista food names

  1. Bagnet Medved
  2. Empanada Montenegro
  3. Kris Poqui-Poquino
  4. Solenn HeuSapsap
  5. HalaAnne Curtis
  6. GGna Wilson
  7. Puto BumBong Revilla
  8. Lani Mechado
  9. Pansit Molo Revilla
  10. Shamcey Soup-Soup
  11. Ces Sirloin
  12. Julius Salpicao
  13. Kare-Karen Davila
  14. BaBoy Abunda
  15. Prito Sotto
  16. Baked Sotto
  17. Joey de Lechon
  18. Choco Martin or Cocoa Martin
  19. Choco Diaz
  20. Bulalu De Leon
  21. Jennylyn Mechado
  22. Luis Mansanas
  23. Magic Sarap Geronimo
  24. Annabelle Ramen
  25. Zsazsa Paella
  26. Lechon Kawali Bayola
  27. Lumpia Guanio
  28. Flat Pops Fernandez
  29. Bea Banana
  30. Cake Vargas
  31. Okra Winfrey
  32. Lea Salonganisa
  33. Rice Ganda
  34. Imelda Muffin
  35. Congee Domingo
  36. Dominic Biscochoa
  37. Maja Blanca Salvador
  38. Korina Sancheescake
  39. Philipit Younghusband
  40. Lovi POEtato
  41. Taylor Swift Corned beef
  42. Patupatricia Javier
  43. Kaymito Diaz
  44. Diningdingdong Dantes
  45. Robin Pastillas
  46. Jessica Suha
  47. Charice Pimiento
  48. Angel Condensada
  49. Iza Arrozcaldo
  50. Cheese Escudero
  51. Mariah Kare-Kare
  52. April Boy Relleno
  53. Pilinut Coralles
  54. Adovhong Navarro
  55. Pritong Pascual
  56. Michael de Miso
  57. Yogurt Bautista
  58. Piolobster Pascual
  59. Shrimpy de Leon
  60. Marvin Mangustin
  61. Atsara Geronimo
  62. Xian Liempo
  63. John Fruits
  64. Camille Fruits
  65. Amy Peras
  66. Angeline Prito
  67. Pauline Tuna
  68. Isaw Seguerra
  69. Melai Kuntsintaveros
  70. Cake Abad
  71. John Lloyd Cheese
  72. Bangus Garcia
  73. Sweet Lapu-lapuz
  74. Pata Tim Yap
  75. Nora Knorr
  76. Tart Evangelista
  77. Shanghaina Magdayao
  78. Ube Domingo
  79. Matteo Guid-spaghetti
  80. Cake Cuenca
  81. Wafer Cruz
  82. Chicharo Cuneta
  83. Coffee Jelly de Belen
  84. Katuray Celis
  85. Vina-goongan Morales
  86. Zanjoe Menudo
  87. Biko Belo
  88. Tessie Mang Tomas
  89. Kathryn Beernardo
  90. Carbonara Mina
  91. Mo Twister Fries
  92. German Morelieno
  93. Togue Alcasid
  94. Sisig Lucero
  95. Nadine Sayote
  96. Rico J. Macapuno
  97. Ginger Bread Conejero
  98. KFC Concepcion
  99. Sam Milky
  100. TaLong Mejia

O di vah! Kahit nagbabasa lang eh parang nakakabusog na ang mga names ng mga ta-artis.

Parang nakaka-Boy Abundat pala sa dami. Kaya hindi na ako magtataka kung nag-Fart Evangelista ka at napatakbo sa Sharon Kubeta. 😛

 

oOo

Kung ikaw ay mataba, wag kang malungkot. Isipin mo na lang na mahirap kang kidnapin.

#SignsYourSonMightBeGay

Bumangon ako kaninang mga 1am para mag-wewe nang mapasilip ako sa Twitter account ko sa napabayaang bukas kong ‘pyuter.

Avah! Trending topic ang #SignsYourSonMightBeGay! Nakngpuyat! Parang interesante basahin kaya di ako agad nakabalik ng tulog.

Kalurkey at natawa naman ako ng slight!

 b2b holding hands

Ilan lang ‘to mga libo-libong nabasa kong senyales daw dun sa trending page ng #SignsYourSonMightBeGay:

  1. …kapag walang buhok sa legs at kili-kili.
  2. …kapag meryenda kundi bananaque eh footlong ang binabanatan.
  3. …kapag tumatambay sa Starbucks with matching jeje pictorial pa.
  4. …kapag colored ang cover ng phone.
  5. …kapag bet na bet nyang kumain ng Magnum.
  6. …kapag napadaan sa gym tapos bumagal maglakad.
  7. …kapag mahilig magpicture sa sarili at ia-upload sa FB at everyday mag update ng status.
  8. …kapag may sakit, nagagamot ng Penisillin and Bayagesic.
  9. …kapag matagal magsalamin sa cr ng mall at ang mga mata ay nagmamasid sa palagid.
  10. …kapag iba kulay ng mukha sa leeg.
  11. …kapag inipit ang brief sa may puwet para magmukhang t-back.
  12. …kapag mahilig sa mga koreanovela.
  13. …kapag may nakita syang magandang chiks sabay taas ng kilay.
  14. …kapag inaaway nagsusumbong sa nanay.
  15. …kapag gusto mag laro ng bahay bahayan at sasabihin siya ang nanay.
  16. …kapag nagbabasa ng dyaryo, didiretso agad sa showbiz.
  17. …kapag active member siya of any fans club.
  18. …kapag cologne ang gamit instead of men’s perfume.
  19. …kapag more than 3 pairs of Havaianas.
  20. …kapag mahilig manood ng America’s Next Top Model.
  21. …kapag alam na alam o memorize nya ang complete lyrics of "Super Bass".
  22. …kapag prefers nya ang white iPhone4s.
  23. …kapag naglalagay ng letter "h" sa namesung niya. ex: jhake, jhoey, Bhoy etc.
  24. …kapag nakikinig sya sa music ni Lady GaGa.
  25. …kapag waka-waka ang fave childhood song nya.
  26. …if he has posters of Justin Bieber or the Jonas brothers hanging above his bed.
  27. …kapag he likes taking his photo of himself topless then posting it as his new profile picture.
  28. …kapag super fave niya si Princess Aurora para sa design ng cake nya kesa Kay Batman.
  29. …kapag nag i-enjoy makipag-siksikan sa MRT/LRT.
  30. …kapag inaamoy ang used brief ng kanyang bayaw.
  31. kapag alam niya yung mga birit portion ng mga kanta ni Whitney and Mariah!
  32. …kapag nakakita ng gwapong lalaki sabay nganga!
  33. …if he screams to death when there’s COCKroach!
  34. …kapag nglalaro ng Chinese Garter at nanonood ng Sailor Moon nung bata.
  35. …kapag sya ay laging nasa gayway este Gateway!
  36. if he wants to "crack the egg." And asks "what’s siksik mama?"
  37. …kapag nawawala ang kurtina nyo sa bahay at makikita mong nasa room nya, ginamit ng gown sa fashion show.
  38. …if he eats banana very slowly or passionately.
  39. …kapag pakiramdam niya long hair siya kapag may towel na mahaba sa ulo niya.
  40. …if he lost his virginity to a carrot.
  41. …if his farts don’t make any noise.
  42. kapag milk tea addict.
  43. …kapag extra small shirts nya and super slim jeans nya.
  44. …kapag knows  nya lahat ng Ms. Universe winners…pati winning lines.
  45. …kapag mas malinis pa KUKO nya kesa sa totoong babae at naka COLORLESS na!
  46. kapag matagal siya sa Mens underwear section ng Bench!
  47. if he eats a whole banana without chewing.

Hindi ko kinaya ang number 30 at 40. Hahaha! Astig!

Baka may gusto pa kayong idagdag? 😀

 

oOo

Ang tunay na lalake nilulunok ang pride para sa taong mahal niya.

Tinolang Manok Na May Mais

Hindi man kami abot dito sa pinagkukutaan ko ng kasalukuyang luxury typhoon na si Chedeng, pero makulimlim at may manaka-nakang pagbuhos ng ulan naman dito sa amin sa Iligan lalo na pag bandang hapon na.

Uy, ingat-ingat lang po tayo. Sabi nga ni Kuya Kim Atienza sa Twitter nya:

kuyakim_atienza 

tweeps, lumalapit si chedeng. huwag maliitin ang bagyong ito. seryoso. sa mga taga samar, bicol, aurora at cagayan, maghanda po tayo.

Wag naman sana maging mala-Ondoy ang bagyo na to. 🙁

Habang patuloy na nagbabasa ng timeline ko sa Twitter, natawa ako dito sa isang Twitter follower ni Kuya Kim. Nabara lang naman.

kuyakim_atienza 

weather: typhoon chedeng mas lumakas sa max winds na 160 kilometers per hour at gustiness na 195 nasa 200+ kilometers east of catanduanes.

welverder 

E bakit ang araw?!

kuyakim_atienza 

susme, malaki ang pilipinas, the philipines is not your barangay. RT @welverder E bakit ang araw?!!!! RT chedeng mas lumakas sa max 160 km

Hehehe!

Heniweys, kagabi nga eh maulan din dito sa amin, masarap humigop ng sabaw, kaya tiempo tong nadikwat kong recipe mula sa Yummy food magazine (August 2008). Tinolang may twist of flaked chicken at corn kernels.

Try nyo tomedyo kid-friendly ang lasa ng lutuin nato kaya sigurado magugustuhan ng mga bulilit ninyo.

Tinolang Manok na may Mais

Ingredients:

  • 2 tbsp cooking oil
  • 1 tbsp crushed garlic
  • 1 thumb-size ginger, crushed
  • 1/4 cup sliced onion
  • 500g chicken breasts boiled and flaked
  • 1 can corn kernels, drained liquid reserved
  • 1 piece sayote, cubed
  • 2 pcs broth cubes
  • 1 liter water
  • Salt and pepper to taste
  • 1 cup sili leaves

Sayote, flaked chicken, corn kernel, sili leaves

Procedure: Heat cooking oil. Saute garlic, onion and ginger until limp. (Eto ang peborit kong kombinasyon pag nag-gigisa bawang, sibuyas at luya. Kasi ang bangooooo!)

garlic,onion,ginger

Stir in chicken and corn kernels.

chicken and corn kernels

Add sayote and cook for another 3 minutes.

cubed sayote

 Pour in reserved corn kernel liquid. Stir in broth cubes. Add in water and bring to a boil.

 DSC03343_2 

Season with salt and pepper. Add sili leaves and remove from heat. Serve hot.

oOo

"Mas mabuti na yung ma-miss kita, kesa naman umabot pa sa hindi na kita gustong makita"Judy Ann Santos, KayTagal Kang Hinintay (1998)

Ingat Sa Pag-Update

Hati ang damdamin ko dito sa latest na pakulo ng Twitter. Aktwali, hindi ako sure kung latest nga ba ‘to. Mukang matagal na nga yata ang gimik na itetch at ako lang ang tanga na nagtutulog-tulugan sa pansitan at ngayon ko lang nalaman ang ganito.

Hindi ko alam kung magiging pabor ako dito o hindi. Naks! As if naman masisindak ko ang isip ng mga creators ng Twitter sa pamamagitan ng opinyon ko.

Eto yun.

 

click for larger view

Pwede ka maging updated sa mga impormasyon via Twitter SMS. Shempre jo-join ka muna sa Twitter at ite-text mo sa selpon mo halimbawa ang, “follow chuvachuchu-eklavu” then send mo dun sa local code ng anumang planetang kinaroroonan mo at presto, mangingiti ka na kasi mare-realize mong nadagdagan na pala ang kaalaman mo sa makabagong teknolohiya at hindi ka na masyadong shunga-shunga!

Sa isang punto, maganda ‘to kasi nga updated ka agad sa latest na pangyayari sa mundo lalo na kung follower ka ng mga news network. In na in ka sa latest na pinag-uusapan ng bayan, ning! Magiging feeling-intelihente ka rin. Lol!

Advantage din ‘to dahil kahit nasa dulo ka ng Timbuktu ka (may signal ba dun?), malalaman mo ang mga latest chika ng mga kamag-anak at prendship mo. Masasagap mo rin agad ang latest na chizmax ng mga artistang pa-sushal, mayayabang at malalandi. At higit sa lahat…mai-stalk mo ang kras mo! Ayayay!

Stalking <—- dito ako hindi pabor. Magkakaroon ka ng social predators. Stalkers – nakow, pwede kasing mga sex offenders din yan. Hindi ko alam kung marunong na rin sa Twitter ang mga member ng Akyat-Bahay Gang, mga kidnappers, carjackers at ng mga iba pang masasamang ers. May rapers ba? Lol!

Sa Twitter…kahit sino na lang ay pwede ka i-follow. Ako, wala akong idea sa ibang followers ko. (Naks! Kunyari marami akong followers.) Huwag naman sana noh, pero pwede kang pagplanuhan ng masama ng kunyari follower mo via Twitter. Well, hindi lang naman din sa Twitter, posible din ‘to sa kahit saang social network kung saan andun ang mga impersonal relationship.

Kaya dapat sa mga may Twitter account…ingat-ingat din sa pagchi-chika. Lalo na sa kinaroroonan at mga schedules mo. Baka hindi mo knows…may mga sumusunod na pala sa yo.

Shet! Ayoko ng ganun. Ayoko masundan. Ayoko ma-rape. Baka magustuhan ko. Charot! (sabay knock on wood)

Pero seryosli, follow nyo ang Maruism sa Twitter ha? Haha!

Gaguhang Kasabihan 2

“Masamang isukat ang damit pangkasal lalo na kapag……hindi pa ito tahi!”

“Aanhin pa ang damo…….kung tumatakbo ang kabayo!”

“Wag pilitin ang ayaw…….baka pumayag!”

“Ang tumakbo ng matulin ay tiyak……uuhawin!”

“Walang matimtimang birhen……pero may matimtiman cruz!”

“Ang sakit ng kalingkingan…….ay napakasakit talaga!!”

“Ubos-ubos biyaya……pagkatapos magpapachupa.”

“Ang hindi magmahal sa sariling wika…..walang himala!”

“The early bird gets……. to wait for the late birds!”

“Aanhin mo ang gwapo…. kung mas malandi pa sayo.”

“Ang di lumingon sa pinanggalingan, kung patay na ang kabayo.”

“Ang gulay na di nakakain…… sa farmville nakatanim!”

“Birds of the same feathers are……. the same birds!”

 

** Courtesy of @kbrosas (K. Brosas Twitter account)

Eweno Kung Fan Ako Ni Kris

9-25-2010 10-14-34 AM

Ang tarush ng lola ko!

Kung meron man akong gusto arborin sa mga katangian ni Kris Aquinoyun ay ang mala-porselanang kutis nya, yung pagiging SMART and WITTY, o simply – yung UTAK nya!

Gusto ko tong tweet nya ngayong umaga. Ang taray to the nth level! Oo nga naman, (aktwali nakaka-relate ako ng konti). Hehe! KumbagaI live my life, so please live yours! ang talak nya dito. Walang pakialamanan! Bakit ba! Andami talaga gustong magmarunong sa kung paano dapat mamuhay o kumilos ang madir ni Baby James. Pati simbahan pinakikialaman na sya. Sows!

Her tweet said it all! Hanggat hindi tayo ang nagpapalamon sa mga anak nya, wala tayong K para magdikta at manghusga. Pag hindi pa ba naman ma-gets yan ng mga detractors nya, ewan ko na lang pero baka bobo na nga lang yata talaga ang hindi makakaintindi.

Sabihin nyo na ang lahat na maipipintas nyo sa babaeng to pero hindi mapagkakaila na intelihente talaga ang girl na to at bow ako. Kung may Tide is Tide, may Kris is Kris din. Lol! Keber ko naman kung taklesa at papampam sya ng madalas. Basta saludo ako. Period.

Wag Magtipid Sa Pag-Ibig

Like ko to, galing sa Twitter ko:

8-26-2010 12-39-06 PM  8-26-2010 12-36-59 PM  8-26-2010 12-35-23 PM

Palaisipan di ba? Punong-puno ng aral. Choos!

Wag talaga magtipid kasehodang tumambling ka sa sakit pag pumalpak o nagkamali ka sa pagmamahal mo. Ibabangon ka naman tiyak ng panahon para maging MAS kaibig-ibig pa ang pagkatao mo.

Kebs naman kung sumemplang ka dahil sa pag-ibig. Ang importante ay umibig ka ng bonggang-bongga at hindi mo tinipid ang sarili mo sa pagmamahal, sa isip, sa salita at sa gawa.

Di nga, wag matakot na masaktan ng dahil sa lecheng pag-ibig. Kung nagmahal ka at hindi ka nasaktan, isa lang ang ibig sabihin nyan hindi ka talaga tunay na nagmahal.

Amen?