Sigurado Mas Mabango Ako Bukas

Bukas, may isang dahilan na naman ako para magbabad sa batya o mag-swimming sa tatlong balde ng tubig sa loob ng banyo namin.

Naalala ko kasi noong Pasko, binigyan pala ako ng gip ng brader ko ng – The Body Shop Pink GrapeFruit Shower Anik-Anik Set. Kanina ko lang binuksan at inamoy-amoy na rin.

Bangooooooo! Suhang-suha ang amoy na manamis-namis! Lech, naglaway ako! Parang gusto ko tuloy kumuha ng isang platitong asin sa kusina at isawsaw  dun yung bar ng sabon kanina. Parang ang sarap ngatain dahil sa fruity na amoy! Hays, buti na lang at nakapag hunos-dili ako.

May duda akong magigising na naman ang nagtutulog-tulugan kong katawang-lupa pagkaligo ko bukas. Parang nakakabuhay kasi ng senses yung grapefruit scent. Kaka-eksayt!

Pero mas ayos sana kung pagkatapos ko maligo bukas ay may jowa akong aamoy-amuyin ako pagkalabas ko ng banyo . . .tapos . . .tapos . . .tapos . . .siempre . . . hindi sya makakapagpigil na (insert here kung ano man naiisip nyo) dahil sa bagong ligo ako. . . tapos…ambango-bango ko pa. . . tapos. . . tapos. . .  tapos. . .eh, hmnnn. . . ah basta, alam nyo na yun!  *wink* 🙂

Hot Yoga

While in vacation here in Cainta with my daughter Keziah, I asked Kups if I can fulfill my long time wish – to learn yoga. When he gave me the green light, I promptly enrolled myself for one-month class of Bikram Yoga at Eastwood City. Performing the 26 poses of the so-called fire yoga  for 90 minutes is not as easy as eating peanuts. However, the payback or the calories you will burn in doing the hot yoga postures is way beyond compare. Actually, it is more beneficial than taking the top rated diet pill in the market today.

Infreshness

Woke up today, feeling yummy and refreshed. 😀 Enjoyed four hours self-pampering yesterday courtesy of Kups.

Self-pampering is not about being selfish. It's about taking proper care of yourself and treating yourself as KINDLY as you treat others.

Kelangan Ko Umiyak

Noong mga panahon na hindi pa nagkaka-syota si Moo aka Defpotec, halos araw-araw ay magkausap kami sa YM o di kaya sa text.

Dahil sa closeness namin noon madalas umabot kami sa sitwasyon na ako lagi ang napagdidiskitahan na asarin at i-gudtaym ng chekwa na yun.

snapshot-20

Sa loob ng 2 years (pucha! 2 taon din yun ha), wala yata akong natandaan na buwan na hindi ako napaiyak sa pagkapikon. Madalas akong ma-bully ni Moo.

Continue reading

Unang Hirit Para Sa Umagang Kayganda

Sa umaga, bukod sa deretsong pagwewe sa CR with eyes half-closed, magmumog at maghilamos, eto ang unang ginagawa ko para umpisahan ang araw ko – ang maghiwa at mag squeeze ng 1-2 pcs. of  calamansi sa isang baso ng tubig.

For 2 months now, nakaugalian ko na ang uminom ng calamansi water (no sugar) bilang pang-detox ko. Narinig nyo na ba yung tungkol sa lemon water detox? Kung hindi pa, pwes! I-google nyo! Lol!

DSCF0484

Seryos, wag na tayo mag anu-ano pa, harapin na natin ang totoo that we are now living in a highly toxic world. Air pollution, lamon ng  junk foods, maruming tap water, food preservatives at ng kung anik-anik pa, imposibleng walang may naiipon na toxins sa mga bodylicious natin.

Continue reading

Pag Lumawlaw Na

Pangalawang araw ko na ‘tong nakiki-WIFI sa mga coffee shop dito sa bansa (probinsya) namin kasi brownout na naman sa bahay.

DSCF0461.jpg

Adik na kung adik pero hindi pwedeng hindi ako mag-online dahil kelangan ko i-monitor ‘tong pinakamamahal kong blog ko kung naka-UP sya dahil pag down ang blog ko…siguradong magpapaliwanag na naman ako sa presinto este sa mga sponsors ko.

At naiirita pa naman ako pag nagrereklamo sa barangay ang mga sponsors ko kasi kelangan ko ang makipag-balitaktakan o sumagot sa kanila in english. Lol! Eh nag iipon pa naman ako ng english ko kasi malay mo baka sa mga darating na araw ay makapag biyahe ako sa mga spokening-dollar countries. Kelangan marami akong baon.

Continue reading

Higanteng Chikinini

After ng chikahan namin sa isang coffee shop the other day (I’m with my sis Millette, brother Evan who is here in Iligan for a business trip and niece Tweetums), ay nagkayayaan kaming magpa-body massage.

This is my second time na nagpa-body massage with Ventosa or Cupping therapy at ang saraaaaaaap! Pakiramdam ko may sampung Dracula ang nasa likod ko at may sinisipsip na mga anu-ano sa likod ko. Hehe!

Dati yung combi na Swedish, Thai and Shiatsu lang ang ina-avail ko na masahe. Pero mula nung sinubukan ko yung Ventosa or Cupping therapy,hanep! parang gusto kong gawin monthly ang pagpapahigop at pagpapalagay ng higanteng chikinini sa likod.

Yup! sa likod lang pwede gawin ang suction dahil kung gagawin ang cupping na ‘to sa harap o sa dibdib, pucha! baka may gatas na lumabas! Hahaha!

Aktwali hinihigop ng Ventosa ang mga lamig-lamig sa katawan mo at siempre may kasamang body massage din kaya pagkatapos ng session, talaga naman ang gaan-gaan ng feeling mo.

Ano nga ba ang Ventosa or Cupping therapy? According to the web articles that I have read:

“Ventosa or Cupping therapy is one of the ancient way therapies. Warmed glass are used to suction out toxins or what they call in Tagalog “lamig” and helps in improving blood circulation.”

“Cupping is an ancient Chinese method of causing local congestion. A partial vacuum is created in cups placed on the skin either by means of heat or suction. This draws up the underlying tissues. When the cup is left in place on the skin for a few minutes, blood stasis is formed and localized healing takes place.

ecucup

Cupping has also been found to affect the body up to four inches into the tissues, causing tissues to release toxins, activate the lymphatic system, clear colon blockages, help activate and clear the veins, arteries and capillaries, activate the skin, clear stretch marks and improve varicose veins. Cupping is the best deep tissue massage available. Cupping, the technique, is very useful and very safe and can be easily learned and incorporated into your family health practices.”

Eto ang kinalabasan na itsura ng likod ko pagkatapos ng session. Parang mga higanteng chikinini.
Image015

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko nakita ang aktwal na ginawa sa akin kasi nakadapa ako at hindi ko malingon. Basta nararamdaman ko na lang na parang may inihelerang coins sa likod ko,may sinindihan at inilagay na apoy tapos may ipinatong na baso. Pagkalagay ng baso, naramdaman ko agad yung higop ng mga basong nakalinya mula sa may balikat ko hanggang sa may “cleavage” ng wetpaks ko.

Image016Hindi naman masakit. Paglabas ko ng massage clinic, feeling ko nasipsip lahat ang rabies at tetano ng katawan ko. Lol! At pati yata yung kakaunting asim na naiwan sa bodylicious ko ay nahigop din. Waaaaaa!

BS090500719061811

Kahapon which is the day after the body massage/theraphy, may unsightly marks pa rin ako. Pero temporary lang naman “to.

Napansin ko….ang macho ko pala pag nakatalikod. Taena, di ba parang katawan ng lalaki ang likod ko?

Quote of the Day:
“Your body is a temple, but only if you treat it as one.” ~Astrid Alauda

Plastik. Paltik.

Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.

At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines, solb na ako (opps! plus internet nga pala).

Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.

Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon,josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.

Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng…TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.

Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay, paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss!

Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.

Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan, yung maging ekspert sa “aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery!” Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan!

Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.

Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.

Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki.

Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!

May mga natural na bagay o katagian ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.

Speaking of sex appeal – fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka. Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.

Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!

May Tulo

Habang tina-tayp ko ang entry na ‘to…may tulo ako. Tumutulo ang sipon ko na parang tubig sa gripo na hindi masyadong nahigpitan ang pagsara.

Kung kahapon ang tulo na dumadaloy mula sa ilong pababa sa labi ko ay manamis-namis pa, ngayon ay medyo maalat-alat sya at may kalapotan na. 

Wag kang mangealam  kung tinitikman ko ang sipon ko. Sipon ko ‘to! At walang masama kung dilaan ko sipon ko – lahat tayo ay nanggaling sa “sipon”.

Pucha! nasapul din ako. Last week ang bagets kong si Kevin ang nagka-common cold at dahil ako ang taga-hilot, taga-punas at tagapag-alaga nya habang may sakit, ayun nahawaan na rin ako. Lech!

Ang sakit ng katawan ko. Para akong ginahasa ng tatlong kabayo. Barado ang ilong ko kaya para akong tanga na nakanganga lagi para makahinga lang.

Alam ko na yung iba sa inyo ay malamang na mag-comment ng “get well soon, maru!”. Pwes maraming salamat. Your concern is good but I need cash. Mabuti na yung deretsahan na. LOls!

Yung mga walang pakialam sa akin at hindi magco-comment, isasara ko na rin comment form ko para hindi ako mainis sa inyo. Bleh!

Hays…hirap tumayo para magwewe…nahihilo ako. Parang gusto ko magpalagay na lang ng urinary catheter. Any volunteer? Lols!