Sana Matutunan Kitang Mahalin

Author: maru2  //  Category: Gadgets, Inner-self, Inner-thoughts

Akala ko pag nakuha ko na ang matagal ko ng gusto na magkaroon ng sariling computer ay tuloy-tuloy na ang ligaya. Mali ako! Bukod sa kelangan paghirapan ko ang pag ipon ng pambayad, may “free” palang dusa na kasama ang pagbili ng bagong unit.

Sa pagpili pa lang kung anong klaseng brand ang swak sa maliit na budget ko, malupit na ang pinagdaanan na desisyon ng slightly-used kong utak. Tapos kailangan ko pa pala alamin din muna ang tungkol sa mga specs-specs chuva ng pc kung ano ang ok sa hindi.

Alam ko fickle-minded ako. Siempre, BABAE ako noh. Pero aminado akong mas hirap ako mag desisyon pagdating sa pagbili ng mga electronics. Mas kumbinsido akong mas magaling ang mga lalaki pagdating sa gadgets. Kahit sa sex gadgets or toys ko ay hirap din ako sa pagpili. Joke!

Aminin ko na mahilig talaga ako sa gadgets kaso tekno-bopol ako. Kung sing-dali lang sana ng pagpili ng body lotion na bagay sa akin ang pagbili ng computer…eh sana masaya sana ang buhay ko. Sa lotion, tatlo lang naman ang pagpipilian mo, yung pang dry skin, oily skin at yung pang normal skin. Nasa sau na lang kung type mo yung unscented kesa scented. Kaso hindi ganun ang pagpili ng computer. Daming mga teknikal terms na kelangan maintindihan. Nways, nalampasan ko na ang nakakawindang sa isip ng pagpili ng unit. Salamat din sa mga tulong ni Moo kahit kelangan ko pa ang magtampo sa kanya para pilitin syang tulungan ako.

Eto na, akala ko nga tuloy-tuloy na ang ligaya ko. Mas madugo pa pala ang haharapin ko. Windows Vista ang OS na naka install sa unit ko. Pers taym ko ang gumamit ng Vista at sanay ako sa Windows XP. Sa pag install pa lang ng mga programs na kailangan ko…juice ko pong pineapple, para na akong duduguin agad kahit malayo pa ang period ko dahil sa nakakalitoooo. Para akong bulag na nangangapa sa dilim. Noong una pa man ay puro na ako reklamo, pero sabi ko siguro masasanay din ako dito sa Vista na itetch.

Mahigit isang linggo na ang nakaraan at eto ang masasabi ko - ayoko naaaaaaaaaaa! Parusa talaga! Pag 1gb lang pala ang RAM mo…malabo pa sa imburnal na bumilis ang takbo ng pc pag Vista ang OS. Ang lakas pa kumain ng battery, amp! Halos isang oras lang ang ang tinatakbo ng baterya. Kaya biglang na miss ko ang XP desktop ko sa bahay.

Desidido na sana akong palitan ang OS ko ng XP dahil tinatamad na akong mag blog o mag online ng dahil palaging error ang page loading ko. Nakakapikon. Pero kung papaano ko papalitan ang OS, yun ang hindi ko alam.

Gusto ko man solusyunan ang problema ko, kelangan ko rin pala ang dumaan ulit sa madugong proseso. Wala akong installer ng XP kahit peke. At kahit maraming madidikwat sa internet gaya ng itinuro sa akin ni Moo ng paggamit ng torrent, pucha naman! Para sa isang tekno-bobo na gaya ko ano naman kaya ang pipiliin ko dito sa mga lumabas sa torrent search?

capture1.jpg

Anong malay ko kung ano ang OK diyan sa mga lumabas na pagpipilian? Sana nga, kung ang pagpipilian lang sana sa itaas ay kung ano ang pinaka da-best na Sunblock Cream at kung ilang SPF ang ok at epektib…at kung anong Feminine Wash ang mabango sa hindi, eh sisiw sana. Hays, suko na ako.

Sa ngayon, helpless pa rin ako. Malamang i-embrace ko na lang muna siguro tong Vista na to at pag aralan mahalin kahit mabigat sa dibdib ko. Balang araw, siguro naman ay matutunan ko rin tong mahalin ng buong puso kahit araw araw ay pinaparusahan nya ang loob ko sa sobrang bagal nya.

Bookmark and Share