Mga ateng, kung naghahanap ka ng jowa, eto ang mga importanteng katangian na dapat taglay nila.
1. Importante na may trabaho ang lalaki at marunong gumawa ng mga gawaing-bahay.
2. Importante na marunong magpatawa o patawanin ka ng lalaki mo. Kumbaga yung may sense of humor.
3. Importante na mapagkakatiwalaan mo ang lalaki at hindi sinungaling.
4. Importante na mahal na mahal ka ng lalaki at paminsan-minsan ay ini-spoil ka.
5. Importante na ‘tong apat na lalaki na tinutukoy ko ay hindi magkakakilala sa isa’t isa.





