10 Things You Don’t Know About Women

agot isidro

1. Looks matter, but humor is best. Major points if you can make our moms laugh.

– Kung tatanungin ako kung ano gusto ko sa lalaki, Ok na siguro sa akin ang lalaki kahit mayaman. Pagtitiyagaan ko na lang siguro ang yaman nya. Tsaka, Okay lang din kung gwapo siya. Pagtitiisan ko na lang kagwapuhan nya. Iisipin ko na lang eh laman-tiyan din ang ganyan na lalaki! Haha!

Seryusli, mas panalo talaga kung may sense of humor ang isang hombre. Ops, pero hindi yung tipong basta marunong lang mag-crack  ng jokes ha?  Marami diyan…ang lakas magpatawa kuno pero korni naman at wala sa tiempo.

Para sa akin, ang taong may totoong sense of humor ay yung marunong mag-convert o magpagaan ng lahat na mabibigat na sitwasyon at kashitan sa buhay. Yun bang positibo ang pananaw sa layp. Yung nakukuha pa rin ngumiti kahit alam mong nahihirapan na o kaya nagagawa pang magpatawa kahit nasasaktan na.

2. Your footwear tells us so much about you, much more than you presume.

– Sa lalaki, una kong tinitingnan siempre eh yung mukha. Pangalawa, ay yung CROTCH sapatos. Kaya agree ako dito sa writer. Ewan ko ba, pero parang kahit papano ay nakikilala ko ang pagkatao ng isang lalaki sa klase ng suot nyang shoepatos.

3. We like the scruffy look but for the love of God, trim your nails and your nose hair.

TSEK!

Nakaka- ewwww talaga ang mga lalaking:
– madudumi ang kuko.
– pinahahaba ang thumbnail o kaya yung pinky nail. Ano yun? Sinadya para abot ang kadulu-dulohan ng ilong pag nangungulangot?
– naka colorless nail polish with matching merthiolate ang mga kuko.

At yung mahahaba ang tutsang? Tangina lang!

4. Cooking dinner for us is sexy.  You shampooing  our hair is sexier.

– Wagi talaga ang mga lalaking marunong magluto. Yung paminsan-minsan ay ipinagluluto ka at bilang ganti dun sa lalaki, ay ipapatikim mo rin sa kanya ang kakaibang lutuin mo – yung popular na putahe na kung tawagin ng iba ay – Luto ng Diyos. 😀

“You shampooing  our hair is sexier.” – Guys, alam nyo naman siguro kung anong “hair” yun ha?

5. When we vent about something, we need you to listen. It’s not a project for you to solve. We have our girlfriends for that.

– Hindi lahat ng panahon pag nag i-emote kami o may problema sa mga bagay-bagay o pangyayari ay kelangan mo na magpaka-knight in shining armour agad sa amin. Minsan trip lang namin i-share sa inyo ang hobby namin sa pagiging CHISMOSA o kaya ipakita ang naturalesa na sa amin na – MADALDAL. Thus, just lend us your ears, please.

6. When we look nice, by all means, say so. We will never get tired of hearing it.

– Kahit alam namin na minsan ay BOLA-BOLA lang ang mga papuri nyo…ok lang yun sa amin. Hindi kami napapagod marinig ang mga yun.

Totoo, minsan parang nakikiliti pa nga ang mga kiffy namin pag pinupuri nyo kami. Hihihi!

7. Please make the first move. We appreciate that.

– Pagdating DUN sa alam mo na…dapat lang na you initiate. Wag kang magpapaniwala sa kasabihan na “Ladies first.” 😀

Sa ibang usapan, iba parin siempre ang lalaking maginoo. Patunayan mong hindi totoo na si Rizal ay sa posporo at Luneta na lang matatagpuan.

8. Don’t think we don’t see you doing  a sneak peak on that girl’s cleavage. You may have wandering eyes, but we have our eyes everywhere.

– Maniwala ka sa akin, pre! Lahat ng babae ay may taglay na “third eye” pagdating sa ganyan. Kaya wag ka na mag anu-ano pa diyan! Wag kang pa-deny deny. Wala kang kawala.

9. You dish the dirt about women with your buddies. Wait til you hear how we gossip about you with our girlfriends.

– Wag nyo kaming gawin pulutan sa wentuhan nyong mga lalaki. Baka hindi nyo kayanin pag nalaman nyo kung paano namin kayo lait-laitin pag pinag uusapan namin mga babae. Bwahaha!

10. We make a commitment because we love you. And we will do everything to make it work. Please don’t blow it because  when we say it’s finally over, it is, well, over.

–  Ang masasabi ko lang ay, sa panahon ngayon mahirap na humanap ng lalakeng RESPONSABLE. Bow!

Source: 10 Things You Don’t Know About Women , by Agot Isidro, Esquire Magazine, May 2012

oOo

“Ang babae ay parang Fragile Box. Dapat “Handle with Care”.

10 Things You Don’t Know About Women

1. You know anything about PMS? No? I thought so.

– Honga, aber, alam mo ba ang ibig sabihin ng PMS?

Tama! Pre-Marital Sex. Lol!

2. Don’t just be quiet when asked if you think we’re fat. Lie and say no.

– May kasabihan na hindi lahat ng TOTOO ay kelangan sabihin. Lalo na kung tungkol sa pagiging tabachingching namin. Kung gusto mo ng matiwasay na pagsasama at matahimik na pamumuhay, at higit sa lahat kung ayaw mo saktan ka namin, oo, magSINUNGALING ka na! Leche!

3. Pompous, self-important ways are worse than bad breath. Imagine if you had both.

– Allergic ako sa mga mayayabang sa totoo lang. Kasi gusto ko ako lang ang mayabang. Hehe! Joke! Hindi nga, may mga paraan naman kung gusto mo magpa-impress sa chick pero wag naman yung lantaran. Napansin ko, madalas pag mayabang ang lalaki, eh maliit ang titi. 😀

4. We take great pains to be hairless on the legs, underarms, upper lip and bikini line. How about you with your nose hair.

– Be fair. Nagkakanda-duling kami sa kabubunot ng buhok namin sa kili-kili, tinitiis namin ang mga hagupit ng sabay-sabay na bunot ng mga bolbits namin dun sa ober der pag nagpapa-bikini line o Brazilian wax kami, tapos TUTSANG nyo di nyo man lang makuhang magupitan? Where is justice, sir!?

5. Bear with us when we cry in movies. We do the same when you drag us to see your favorite slapstick flick.

– Mas mabuti siguro kung sabayan nyo na lang kami sa pagiging crayola namin sa mga senti-eksena ng mga movies. Wag lang yung mauuna pa kayong iiyak. Taena lang ha!

snapshot-19

6. No one is too cool to ask a girl out nicely.

 “Coffee tayo.” – Eto madalas na hirit ang napapansin ko pag gusto i-date ni boy si girl. Tapos dadalhin sa mga kapehan si girl gaya ng Starbucks para kunyari sushal! Well, wala naman masama. Pero pansin ko lang, bihira na talaga ngayon yung gumagawa ng panliligaw sa loob mismo ng bahay. Minsan nakikilala na lang ng buong pamilya si boy eh, sinagot na o shuta na pala sya ni girl. Makakapag-isip ka tuloy, saan kaya sila nagligawan? O nagkaligawan nga kaya?

“Tara! Kumain tayo sa labas. Isama mo na buong pamilya mo. Libre ko.” O ha! May mas ko-cool pa ba kung ganito mo aayain si girl para lumabas?

7. There is more than one way to kiss a girl. Ask her to teach you.

– O ha! Guys, take note. Gandang teknik nito. Sa totoo lang, mas marami ang mayayabang pero hindi lahat ng lalaki ay marunong humalik. Plis lang, wag nyong hayaan na tumutulo din ang laway nyo habang kumi-kiss. Ambaboy nun. Kelangan swabe lang mga ‘tol! Charot!

8. The compliments you give are our best beauty secret. If we’re not feeling or looking too good, it’s of course your fault.

– Madalas naririnig namin ang mga kakakilig na compliments pag nanliligaw pa lang o kaya nag-uumpisa pa lang ang relasyon o pagsasama. Hoy lalaki! Wag naman ganun. Kung ako sa inyo, gawin nyo ng hobby ang pagbibigay ng compliments. Oo, araw-arawin nyo na. Araw-arawin nyo na ang pagsisinungaling. Kever!

9. We get amused when you act a little jealous, livid when you’re obnoxious, and suspicious when you’re envious.

– Totoo ‘to. Pero please do it in moderation. Wag din kayong exajs at paulit-ulit na lang. Kakapikon din kasi.

10. We believe when you say, “I was lookin’ ’cause I think I know her from somewhere. Of course you do. From Fantasy Land.

– Style-bulok yan. Pero ako, di na lang ako naninita o nagsasalita. Kinukurot ko lang agad sa tagiliran, ensigueda!.

Source: by Tweetie De Leon Gonzales, Esquire Magazine,  December 2011.

oOo

“Hindi mo naman kasalanan kapag binigay mo na ang lahat at iniwan ka pa rin. Baka di lang talaga kayo para sa isa’t isa.”

Why Women Above 30 Are Better?

Obyusli, matagal na akong wala sa prime age ko.

Oo, wala na nga siguro ako sa kabataan ko pero hindi ko naman sinasabi din na nakaka-avail na ako ngayon ng 20% discount benefits ng mga Senior Citizen. Chooos naman…kahit papano eh medyo matagal-tagal pa siguro bago ako makagamit ng sariling Senior Citizen card ko noh! Hehe!

‘Lam nyo, maniwala kayo sa hindi…hindi ko masyado nami-miss ang kabataan ko.

Kasi pag nagmumuni-muni ako at nagpa-flashback ng nakaraan ko (insert any New Wave music here)…eh parang puro kalituhan lang ang nasa isip ko noon e. Ang klase ng pag iisip ko noon ay puro olats!

Paano ko naman mami-miss ang mga panahon na yun kung saan lahat yata ng ginagawa ko ay akala ko ay tama, tapos matatauhan na lang ako sa ending na joskopo! – ako pala talaga ang original na Lady GAGA! 🙁 Dahil nga nuknukan ako ng kagagahan noon!

Dami kong palpak sa mga diskarte ko noon! Hays..pag bata ka kasi, talagang eengot-engot ka at mapusok ka sa lahat.

Bilibit or not, mas enjoy ako nung tumuntong na ako ng 30 hanggang sa edad ko ngayon. Totoo pala talaga yung kasabihan na WISDOM comes with age. Habang ako ay tumatanders, napansin ko na ang dami na rin nabago sa akin. Mas lalo akong naging yummy at mas naging malandi! Joke! Wahaha!

Continue reading

Plastik. Paltik.

Marami akong glossy magazines dito sa bahay. Women, men, gadget, food, home and living magazines and etc, sandamakmak meron ako dito.

At pwede ko sabihin sayo, kahit ikulong mo ko sa kwarto ng isang linggo ng kahit walang sex TV, basta may magazines, solb na ako (opps! plus internet nga pala).

Pag nakakaluwas ako ng Manila, andun yung naghahakot pa ako ng mga back issues of glossy magazines mula sa Filbars at Book Sale. At kahit mabigat ay inuuwi ko talaga yun dito sa probinsya.

Sobrang eye-candy ang mga cover girls ng mga glossies ngayon,josko, talaga naman ang gaganda nila. Para silang mga JOSA, as in!! Ang papayat, kikinis, mga kutis-porselana at halos perpek na talaga.

Pero kung nag isip ka naman andun yung mapapatanong ka ng…TOTOO ba tong mga itetch? Siempre alam naman natin na resulta lang halos ang lahat ng mga yan ng mga magagaling sa Adobe Photoshop.

Naglipana na ang mga plastic na tao ngayon. Hindi lang sa ugali kundi pati sa itsura. Ang daming Paltik! Andun yung paltik na suso, paltik na nguso, paltik na kuko, paltik na kilay, paltik na pwet, paltik na kulay ng buhok, kulay ng balat, paltik na ilong at may paltik pa na pekpek!!! Kahit sa sex, andun din yung paltik din na orgasm. Hayssss!

Mukang pahirapan na yata ngayon ang makakita ng natural na ganda at makatagpo ng tunay na tao a.

Sa ngayon, ang may pinaka bonggang-bongga at pinakamalaking kita na propesyon sa buong mundo ay ang mga plastic surgeons yata. Kung ikaw ay nag aaral ng medisina at nagbabasa ng blog ko ngayon, kung ako sa ‘yo, magpaka dalubhasa ka na sa pag ma-magic ng mukha at katawan, yung maging ekspert sa “aesthetic surgery or cosmetic plastic surgery!” Itaga mo sa bato, yayaman ka ng todo, sigurado yan!

Isa sa mga nalalaman kong dahilan ng mga pasyente na nagpapa-retoke ng anyo nila ay para daw siempre gumanda at magkaroon ng confidence sa sarili.

Howel, siguro nga may tama sila. Pero sabi nga ng isang doktor dun sa Brgy.Taboneknek (hindi si Doc Aga); despite all the work they get done to their cheekbones, their pouty lips and their boobs, they’re still the same insecure person inside.

Ka date-date nga siguro ang mga ganitong babae kasi nga naman nakakalibog o pamatay sa shape ng katawan o ayos ng mukha. Sa porma pa nga lang daw eh ulam na at talaga naman kinukuyog ng mga lalaki.

Pero sabi nga ulit nung doktor na taga Brgy. Taboneknek, kadalasan naman daw after ng mga ilang oras ng blah blah blah sa date o mga dalawang tagay ng mga drinks na nakakataranta, ayun, lalabas at lalabas pa rin daw talaga ang insecurity ng tao sa sarili o yung totoong kulay nila. Kumbaga, yung physical attractiveness nila at pagiging interesante ay hindi nagiging long lasting. So ayun, wala rin pala. Olats pa rin!

May mga natural na bagay o katagian ang tao na hindi talaga pwedeng baguhin. Gaya na lang ng good character, sense of humor, intelligence o kaya yung sex appeal mismo ng tao. Ay naku, hindi pwede pekehen ang mga ‘to.

Speaking of sex appeal – fifty-fifty yan. 50% ay yung natural na meron ka talaga, at 50% ay yung TINGIN ng mga tao na meron ka. Para naman sa akin, it’s either you have it or none at all. Walang pipti-pipti.

Teka, bakit nga ba nakapag-blog ako ng ganito ngayon? Halatang bang bitter ako? Paksyet kasi yung cover ng magazine na nakita ko kanina. Habang tinititigan ko bigla akong nainsecure! Tehehe!

Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

Minsan, naitatanong ko, ilan pa kayang Robin Padilla ang meron sa mundong ‘to?

Naalala ko, nasa college pa ako noong kasikatan ni Binoe. Susme! daming chiquititas, artista man o hindi ang talagang nahumaling kay Robin. Siempre isa na ako dun sa mga arista. (Oo, artista ako, kasi ang arte-arte ko di ba?)

Pag katrabaho nga daw ‘tong si Robin sa paggawa ng pelikula, bihira sa mga leading lady nya ang nakakaiwas na hindi ma-inlab sa kanya. Daming nagtaka kung bakit at kung ano ang sekreto meron si Padilla eh hindi naman sya kagwapuhan (pero nag uumapaw naman sa mala-hayup na sex appeal, dai!).

Continue reading

Burara

Bumisita ang ate ko noong isang araw. Sarap pag bumibisita yun dito sa bahay kasi laging may dalang —-LAFANG! Nahalata yata na wala syang nadadatnan lagi na pagkain dito sa haybols ko kaya ayun – nagdadala na. Hehe! Last time nga, bukod sa dalang isnaks, may dalang lechon manok din para hindi na daw ako mag abala pa sa pagluluto ng pang dinner namin. O di ba, kung ganyan lahat ng Ate sa mundo eh sigurado hapi-hapi ang lahat.

Siempre chikahan kami. Update ng mga chizmax tapos naitanong ko kung bakit hindi nya kasama si Bayaw. Ayun, may LQ pala sila! At alam nyo ba kung ano pinag awayan nila? Yung mga kalat lang naman ni Bayaw sa workstation nya dun sa likod ng bahay nila. Dun kasi nagbubutinting si Bayaw ng mga kung anik-anik.

Nangingiti ako sa habang naglilitanya Ate ko. Kesyo ang gulo-gulo daw ng mga gamit, eyesore daw ang mga kalat, blah blah blah at pag nililinis o nililigpit naman nya eh nagagalit daw si Bayaw. Nag aalburuto dahil ayaw nga nya na ginagalaw yung mga kalat nya.

Continue reading