Tag Archive for wordpress

Biglang Hit!

Wala na akong pakialam sa blog hits ko mula noong nag monetize ako ng Maruism.com. Paminsan-minsan ko na lang sinisilip ang blog stats sa dashboard ko. Since nawawalan na ako ng oras makapag bloghopping dahil sa mga paid tasks ko, hindi na rin ako umaasa na dadayuhin rin ako ng mga bloggers na pinapasyalan ko dati ang site.

Pero kahit papano ay hindi pa naman nabe-betlogs ang hits ng blog ko pwera na lang noong nag Maintenance Mode ako. Kahit papano nasa average 300 hits a day pa rin naman ako. Kaya nagpapasalamat ako dun sa mga loyal visitors ko na rain or shine, even if its raining cats and dogs, tamaraws and carabaos, kahit may transport strike, kahit brownout at kahit walang internet sa kanila ay dumadayo at sumisilip pa rin dito sa kuta ko. Mabohey kayo!

Read more

Maruism Dotcom

Huy! huy! huy! Wala ba kayong napapansin sa blog ko? hehehe!

Asensado na ang blog kong may bulaklaking bikini sa header — bikining animo tinabas galing sa kurtina namin. :lol:

Mga dodongs at indays! Naka-dotcom na si mamaru! Ahahaay!

Eto na ako ngayon:

http://maruism.wordpress.com/ ———> http://maruism.com/

dotcom2.jpg

I received the above gift from co-blogger Isagani.x m.a. Hays . . . how i love surprises! Pag ganitong mga sorpresa ang bumubulaga sa akin . . . biglang nagiging rose pink ang kulay ng mundo ko at parang may mga korteng puso ang lumalabas sa mga mata ko.

Aktwali, wala pa akong nagagawang kakaiba bukod sa nabago lang ang domain ko. Hehehe! Ignoramus pa ako sa ganito.

‘Nways, Isagani.x m.a., thank you very much for this gift, bro. Mwaah! Eyelabit! :lol:

Read more

WP Red Hot Shirt

wp-shirt.jpg


Oist! Mga ka-blog kong WP fanatic (isa na ko dito), baka balak nyo bumili netong first WP T-shirt – it’s out na! Gusto ko sana bumili – kasama yung guy na nagsusuot ng shirt kaso model is not included pala. lol! Tsaka bukod sa mayayari budget ko sa pamalengke, naalala ko di ko nga pala ‘to pwede i-charge to experience…SM Advantage Card lang meron ako eh. Waaah! Ang cute ng shirt. Red pa naman. Hays..

SMS Joke For Today

  • Magsyota sa motel…
    BF: “Alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.”
    GF: “Sinungaling! Sabi nila lagi ka dito!”
    BF: “Oo, pero ikaw lang talaga ang girl!”